Abstrak


 


Uri ng Abstrak: Impormatibo


Pamagat ng Artikulo: "The Impact of Physical Attractiveness on Achievement and Psychological Well-Being"
Awtor: Debra Umberson at Michael Hughes
Pinagkukunan: 
https://www.jstor.org/stable/2786823?searchText=&searchUri=&ab_segments=&searchKey=&refreqid=fastly-default%3A70c3b23de065e069f42cbcc3c4562980&initiator=recommender&seq=2

Abstrak:

Ang pisikal na anyo ng tao ay may malalim na impluwensya sa kanyang paglalakbay sa buhay, mula sa paraan ng pakikitungo sa lipunan sa kanila hanggang sa kabutihan ng emosyonal na kalagayan sa sarili. Bagaman maraming pag-aaral ang sumusuri sa relasyon sa isang kaakit-akit na itsura bilang isang salik na nagbubukas ng mas maraming oportunidad sa edukasyon, trabaho, at pakikisalamuha, karamihan sa mga ito ay batay sa persepyon at opinyon ng mga respondante at hindi ang aktwal na epekto sa isang tao. Upang punan ang puwang na ito, ginamit ng mga mananaliksik ang status chracteristics theory upang matukoy ang tunay na koneksyon ng isang kaakit-akit na anyo sa tagumpay at kalusugan ng pag-iisip gamit ang datos mula sa isang malawakang pambansang sarbey. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri, inilalahad ng datos na may makabuluhang relasyon ang pisikal na kagandahan sa apat na sukat ng tagumpay at walong sukat ng kalusugan ng pag-iisip na sinubok sa pag-aaral. Tulong sa mga eksperimentong ito, napagpasyahan na ang mga tugon sa sarbey ay sumusuporta sa mga resulta pumapatungkol sa impluwensiya ng kagandahang pisikal ng isang tao sa kanyang tagumpay at kalusugan ng pag-iisip. Humahantong sa isang konklusyon na nagbibigay-liwanag sa impormasyon na ang pisikal na anyo ay maaaring maging isang mahalagang rason sa paghubog ng hinaharap ng isang indibidwal bilang isang realidad na patuloy na gumagabay sa ating pag-unawa sa lipunan at sarili.

Comments

Popular Posts