Bionote


 BIONOTE

Isang Micro-Bionote ni Elon Musk

Si Elon Reeve Musk ay ang kasalukuyang pinakamayamang tao sa buong mundo kilala bilang isang inhinyero, negosyante, at tagapagtatag ng SpaceX, Tesla, Neuralink, The Boring Company, X (Twitter), at OpenAI. Isang bilyonaryong may pangarap baguhin ang mundo sa pamamagitan ng pagsulong ng nababagong enerhiya, mga de-kuryenteng sasakyan, at ang paggalugad sa kalawakan bilang mga paraan upang mapabuti ang hinaharap ng ating lipunan. Kilala sa kanyang malakas na presensya sa mundo ng teknolohiya at tanyag na talento sa agham siya ay ipinanganak noong Hunyo 28, 1971 sa Pretoria, South Africa at nagtapos ng dobleng degree sa Physics at Economics. Bilang isang kagalang-galang na imbentor, nakatanggap si Musk ng maraming parangal, kabilang na ang Royal Aeronautical Society Gold Medal at pagiging bahagi ng Forbes Most Powerful People. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno at mga makabagong pananaw, patuloy niyang isinusulong ang inobasyon at pag-unlad na naglalayong hindi lamang pagandahin ang buhay ng tao kundi protektahan at ihanda ang sangkatauhan para sa susunod na henerasyon. Para sa higit pang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanyang X.com (Twitter) account (@elonmusk) o ang mga opisyal na website ng kanyang mga kumpanya gaya ng www.spacex.com at www.tesla.com.

Comments

Popular Posts