Katitikan ng Pulong
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
Schools Division of Mandaue City
SAINT LOUIS COLLEGE – CEBU
School ID: 404585
M.D. Echavez St., Sudlon, Maguikay, Mandaue
City, Philippines Tel No.: (032) 344 5732
Email: slcc.qaao@gmail.com Website: slccebu.edu.ph
KATITIKAN
NG PAGPUPULONG SA GRADUATION BALL S.Y. 2024 – 2025
Ika-6
ng Marso, 2025
8:30 AM – 8:55 AM
Sa 12 – Humility, Saint Louis College Cebu – Fr. Georges De Busschere Building
Pangkat
5
Dumalo:
Tayshaun Augsboug P. Clar -
Presiding Officer
Cassandra Alexis S. Mantalaba -
Kalihim
Dhestiny Reeze P. Lonoy -
Tagapagsalita
Bien Emmanuel B. Montebon -
Tagapagsalita
Carl Jeofrey B. Dignos -
Tagapagsalita
Ashley G. Villamor -
Tagapagsalita
Princess Clouie M. Pitogo -
Tagapagsalita
Justin James D. Algabre -
Miyembro
Elisha Kate F. Nunez -
Miyembro
Panukalang Adyenda:
1. Tema
ng mga Susuotin at Dress Code
2. Lugar
ng Pagdarausan ng Graduation Ball
3. Mga
Parangal at Gantimpala na Ipapamahagi sa mga Estudyante
4. Mga
Pagkain at Inumin na Ihahanda
5. Afterparty na
magaganap pagkatapos ng Graduation Ball
I.
Pagsisimula ng Pulong
Ang
pagpupulong ay opisyal na ginanap noong Marso 6, 2025, mula ika-8:30 hanggang
ika-8:55 ng umaga. Nagsimula ito sa isang taimtim na panalangin na pinangunahan
ng presiding officer na si Tayshaun Clar, na humiling ng gabay upang
maging maayos, matagumpay, at mapayapa ang pagpupulong. Matapos ang panalangin,
isinagawa ng kalihim na si Cassandra Mantalaba ang roll-call upang
matukoy ang mga dumalo at hindi nakadalo. Sa pamamagitan nito, napag-alamang
kumpleto ang lahat ng miyembro at tagapagsalita sa nasabing pagpupulong.
Kasunod nito, ipinahayag ng kalihim ang mga paksang tatalakayin upang mabigyan
ng sapat na paghahanda ang bawat isa at opisyal na buksan ang pagpupulong.
II.
Mga Napagkasunduan na Pumapatungkol sa mga
Panukalang Adyenda
·
Sa
pangunguna ni Dhestiny Lonoy, napagdesisyunan sa nakaraang pagpupulong na ang
opisyal na tema ng kasuotan at ng mismong Graduation Ball ay kumukuha ng
inspirasyon mula sa teleseryeng Encantadia.
Kaugnay nito, itinakda ang mga kulay na maaaring gamitin sa kasuotan sa mga
pagpipilian sa pula, asul, berde, kayumanggi, at puti na sumisimbolo sa mga
diyamante sa Encantadia.
Hinikayat ang mga mag-aaral na pumili ng kasuotang elegante at bongga, ngunit
maaari ring simple basta ito ay sumusunod sa itinakdang kulay. Upang mapanatili
ang pagiging praktikal, nilimitahan ang gastos sa kasuotan sa halagang PHP
10,000. Bilang isang mahalagang bahagi ng high school journey ng bawat
Lousian, pinaalalahanan ang lahat na gawing espesyal ang gabing ito sa
pamamagitan ng kanilang mga kasuotan upang sulitin ang pagkakataon upang
lumikha ng masasayang alaala at magsaya sa okasyon. Upang mapanatili ang
pormalidad ng Graduation Ball, itinakda ang dress code na
mahigpit na ipatutupad. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng mga damit na
labis na naglalantad ng balat para sa parehong lalaki at babae. Sa mga lalaki,
kinakailangang magkaroon ng maayos at pormal na gupit na naaangkop sa okasyon.
Ipinagbabawal din ang mga tattoo, pagsusuot ng hikaw, at pagdadala ng anumang
hindi angkop na gamit. Para naman sa mga babae, inirerekomenda ang hindi labis
na makapal na make-up, at ipinagbabawal ang pagpapakulay ng buhok.
·
Sa
pangunguna ng tagapagsalita ng grupo na si Bien Montebon, napagkasunduan sa
nakaraang pagpupulong na ang Graduation Ball ay gaganapin sa Bai Hotel, katulad ng JS
Prom at mga nakaraang Grad Ball. Ang desisyong ito ay batay sa matibay na
koneksyon ng paaralan sa nasabing establisyemento, na nagbigay ng tiwala at
kasiguruhan sa kalidad ng serbisyo at pasilidad nito. Upang matiyak ang pagiging
engrande ng pagdiriwang, hindi
lalagpas sa PHP 50,000 ang inilaang budget para sa renta,
dekorasyon, at iba pang gastusin. Dahil sa temang Encantadia, ang lugar ay
gagawing kahawig ng isang majestikong
kaharian, kung saan ang bawat sulok ay magbibigay ng mala-pantasyang
tingin sa pamamagitan sa inspirasyon
ng mga palasyo ng Lireo, Hathoria, Sapiro, at Adamya. SA
pagpasok sa venue ay ididisenyo upang magbigay ng “royal red carpet” na karanasan.
Mayroon ding photo
booths na may temang Encantadia upang magkaroon ng
magagandang alaala ang mga estudyante. Sa loob ng ballroom, ang mga upuan at
mesa ay maingat na aayusin upang mapanatili ang pormal at eleganteng anyo ng okasyon,
habang ang entablado ay gagamitin sa mga pagtatanghal.
Sa pangkalahatan, layunin ng grupo na gawing hindi malilimutan ang Graduation Ball S.Y.
2024-2025 sa pamamagitan ng maayos
na pagpaplano, detalyadong disenyo, at isang magarbong selebrasyon
na magbibigay ng engrandeng
pagtatapos sa high school journey ng bawat estudyante.
·
Sa
pangunguna ng tagapagsalita ng grupo na si Carl Dignos, napagdesisyunan sa
nakaraang pagpupulong ang opisyal na listahan ng mga parangal na ipapamahagi sa
darating na Graduation Ball. Ang mga sumusunod na kategorya ay itinakda
upang bigyang-pagkilala ang mga mag-aaral na nagpakita ng kahusayan at
pagkamalikhain sa kanilang kasuotan at pagdadala ng sarili sa nasabing okasyon:
v Pinakamagandang Kasuotan (Lalaki at Babae) – Para sa mga estudyanteng may pinaka-kahanga-hangang
kasuotan na naaayon sa tema.
v Best Pair –
Para sa magkapares na nagpakita ng pinakamahusay na pagkakabagay ng kanilang
kasuotan at kabuuang presensya.
v Grad Ball King & Queen
– Ang pinakamataas na parangal na ibibigay sa dalawang estudyanteng namumukod-tangi
sa buong gabi.
v
Most Elegant Look – Para sa estudyanteng may pinaka-elegante at kaaya-ayang
istilo.
v Runway Queen & King
– Para sa mga estudyanteng nagpakita ng pinakamatikas at pinakamaayos na
pagdadala ng sarili sa entablado.
v Celebrity Look of the Night (Lalaki at Babae) – Para sa mga estudyanteng may kasuotan at kabuuang anyo na
kahawig ng mga tanyag na personalidad.
Ang lahat ng parangal ay igagawad sa pamamagitan ng isang
engrandeng seremonya at ipapamahagi sa anyo ng mga sumusunod na premyo; isang
espesyal na plaque na may disenyo ng ginto o may bahaging gawa sa ginto,
isang korona para sa Grad Ball King at Queen, isang sintas na magsisilbing
tanda ng kanilang parangal, at isang palumpon ng bulaklak para sa mga babaeng
pararangalan. Upang matiyak ang mataas na kalidad ng mga premyo, inilaan ang
isang badyet na PHP 10,000 para sa paggawa at disenyo ng mga ito.
Mahigpit ding ipapatupad na ang mga nagwagi ay dapat may kasuotan na naaayon sa
temang Encantadia, na sumasalamin sa kagandahan, dignidad, at kaharian
ng mga diwata. Bukod sa mga nasabing parangal, napagkasunduan din na magkaroon
ng isang espesyal na pagboto mula sa mga dumalo upang mabigyan ng pagkakataon
ang lahat na makilahok sa pagpili ng ilan sa mga tatanghaling nagwagi.
Magkakaroon ng mga hurado na binubuo ng mga guro at piling panauhin upang
masiguro ang patas at makatarungang pagpili ng mga mananalo.
·
Sa
pangunguna ng tagapagsalita ng grupo na si Ashley Villamor, napagkasunduan sa
nakaraang pagpupulong ang opisyal na plano para sa pagkain at inumin na
ihahanda sa Graduation Ball. Upang maging mas makabuluhan at naaayon sa
temang Encantadia,
ang mga dadalo ay uupo sa kani-kanilang nakatalagang mesa, na ipapangalan sa
apat na palasyo ng Encantadia,
at ito ay ang Lireo, Hathoria, Sapiro, at Andamya, upang maramdaman ang
pagiging bahagi ng isang mahiwagang kaharian. Ang pangunahing pagkaing ihahain
ay binubuo ng iba’t ibang putahe mula sa iba’t ibang bansa upang magkaroon ng
malawak na pagpipilian ang mga dumalo. Kasama rito ang mga sikat na putaheng Japanese
tulad ng sushi, tempura, at ramen, pati na rin ang mga Italian na putahe gaya
ng pasta, pizza, at bruschetta. Mayroon ding Mexican-inspired dishes tulad ng
tacos, nachos, at burritos, habang ang Thai cuisine naman ay magpapakita ng
kilalang Pad Thai, Tom Yum soup, at mango sticky rice. Hindi rin mawawala ang
mga paboritong pagkaing Pinoy, kabilang ang lechon, kare-kare, at pancit
canton, bilang pagpapakita ng ating lokal na kultura sa engrandeng pagtitipon. Bukod
sa main course, bibida rin sa pagsasalo ang mga inuming may lokal na panlasa
mula sa Pilipinas, pati na rin ang mga pampalamig mula sa Thailand. Mayroon
ding Italian sides tulad ng garlic bread at Caprese salad, at bilang
panghimagas, ipapakita ang iba't ibang Japanese desserts gaya ng mochi at matcha-flavored
treats. Dahil sa temang Encantadia,
tampok sa hapunan ang espesyal na paneya, mga natatanging pagkain na hinulma
batay sa apat na sandata ng mga Sang’gre. Ang bawat paneya ay may kakaibang
disenyo at lasa, na magbibigay ng karagdagang kasiyahan at sorpresa sa mga
dumalo. Upang matiyak ang kasapatan at kalidad ng mga ihahanda, itinakda ang
kabuuang budget para sa pagkain at inumin na hindi lalampas sa ₱75,000. Sa
ganitong paraan, masisigurong sapat, masustansya, at de-kalidad ang mga
ihahaing pagkain habang pinananatili ang pagiging engrande at espesyal ng
selebrasyon.
·
Sa
pangunguna ng tagapagsalita ng grupo na si Clouie Pitogo, napagkasunduan sa
nakaraang pagpupulong ang mga detalye para sa afterparty na magaganap
pagkatapos ng Graduation Ball. Ang event na ito ay idaraos sa pampublikon
espasyo at pool area ng Bai Hotel, isang eksklusibong pagtitipon na may
layuning bigyan ng isang di-malilimutang gabi ang lahat ng dadalo.
Napagdesisyunan na ang pangunahing atraksiyon sa afterparty ay isang “foam party”, kung saan
ang mga dumalo ay magsasayahan sa ilalim ng makapal na bula habang
tinatangkilik ang malalakas na musika mula sa isang live DJ. Ang buong
lugar ay paliliwanagin ng makukulay na ilaw upang lumikha ng isang makulay na
kapaligiran. Para sa karagdagang kasiyahan, magkakaroon din ng fireworks display sa
kalagitnaan ng event bilang simbolo ng pagtatapos ng senior high school journey
ng mga estudyante. Upang mapanatili ang seguridad, magkakaroon ng nakatalagang event marshals upang
matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng lahat ng estudyante. Upang mapanatili ang
disiplina sa okasyon, mahigpit na ipagbabawal ang alak at iba pang
ipinagbabawal na substansiya. Itinakda ang kabuuang budget para sa afterparty
sa ₱50,000,
na sasakupin ang venue rental, event setup, professional sound system,
lighting effects, DJ fee, foam machine, party props, at iba pang kagamitan
na kinakailangan upang gawing mas di-malilimutang karanasan ang pagtitipon.
Napagkasunduan ding simulan agad ang pag-aayos ng booking at iba pang
preparasyon upang tiyakin ang maayos na daloy ng okasyon.
III.
Iba pang Pinag-usapan
Tinalakay ng aming pangkat ang pagpaplano at
pakikipag-ugnayan sa Bai Hotel upang maisakatuparan ang lahat ng napagkasunduang
plano para sa Graduation Ball. Napagdesisyunan na kinakailangang makipagpulong
ng aming paaralan sa pamunuan ng hotel upang kumpirmahin ang lahat na kinakailangan.
Dagdag pa rito, pinag-usapan din ang posibleng
dagdag na bayarin kung sakaling lumampas sa itinakdang budget,
kaya't iminungkahi ang paghahanap ng sponsorship mula sa alumni o ibang
posibleng tagasuporta. Napag-alaman na ang kabuuang inaasahang gastusin ay
aabot sa PHP 185,000,
kung saan ang kontribusyon ng bawat estudyante ay hindi lalagpas sa PHP 1,000,
habang ang natitirang halaga ay sasagutin ng paaralan at iba pang posibleng
sponsor. Upang matiyak ang maayos na pagpopondo, itinakda ng aming pangkat na
kinakailangang magtalaga ng isang komite na mangangasiwa sa pangangalap at paghawak
ng pondo para sa okasyon.
IV.
Mga Nagtaas ng Mosyon at Sumusog
Ø Tema
ng mga Susuotin at Dress Code
Nagtaas ng Mosyon: Dhestiny Lonoy
Sumusog:
1. Tayshaun Augsboug P. Clar
2. Cassandra Alexis S. Mantalaba
3. Bien Emmanuel B. Montebon
4. Carl Jeofrey B. Dignos
5. Ashley G. Villamor
6. Princess Clouie M. Pitogo
7. Justin James D. Algabre
8. Elisha Kate F. Nunez
Ø Lugar
ng Pagdarausan ng Graduation Ball
Nagtaas ng Mosyon: Bien Montebon
Sumusog:
1. Tayshaun Augsboug P. Clar
2. Cassandra Alexis S. Mantalaba
3. Dhestiny Reeze P. Lonoy
4. Carl Jeofrey B. Dignos
5. Ashley G. Villamor
6. Princess Clouie M. Pitogo
7. Justin James D. Algabre
8. Elisha Kate F. Nunez
Ø Mga
Parangal at Gantimpala na Ipapamahagi sa mga Estudyante
Nagtaas ng Mosyon: Carl Dignos
Sumusog:
1. Tayshaun Augsboug P. Clar
2. Cassandra Alexis S. Mantalaba
3. Dhestiny Reeze P. Lonoy
4. Bien Emmanuel B. Montebon
5. Ashley G. Villamor
6. Princess Clouie M. Pitogo
7. Justin James D. Algabre
8. Elisha Kate F. Nunez
Ø Mga
Pagkain at Inumin na Ihahanda
Nagtaas ng Mosyon: Ashley Villamor
Sumusog:
1. Tayshaun Augsboug P. Clar
2. Cassandra Alexis S. Mantalaba
3. Dhestiny Reeze P. Lonoy
4. Bien Emmanuel B. Montebon
5. Carl Jeofrey B. Dignos
6. Princess Clouie M. Pitogo
7. Justin James D. Algabre
8. Elisha Kate F. Nunez
Ø Afterparty na
magaganap pagkatapos ng Graduation Ball
Nagtaas ng Mosyon: Clouie Pitogo
Sumusog:
1. Tayshaun Augsboug P. Clar
2. Cassandra Alexis S. Mantalaba
3. Dhestiny Reeze P. Lonoy
4. Bien Emmanuel B. Montebon
5. Carl Jeofrey B. Dignos
6. Ashely G. Villamor
7. Justin James D. Algabre
8. Elisha Kate F. Nunez
V.
Iskedyul ng Susunod na Pulong
Napagpasyahan na wala
nang susunod na pagpupulong para sa aming pangkat sapagkat
matagumpay naming natalakay at napagkasunduan ang lahat ng mahahalagang aspeto
ng Graduation Ball. Lahat ng plano, mula sa tema, lugar, pagkain,
parangal, dress code, at afterparty, ay naisaayos na at mayroon nang konkretong
hakbang para sa pagpapatupad nito. Gayunpaman, patuloy ang bukas na komunikasyon sa aming pangkat sa
pamamagitan ng isang group chat upang matiyak ang maayos
na pagkakaisa ng aming mga ideya sa lahat ng napag-usapan.
VI.
Pagtatapos ng Pulong
Matapos
ang masinsinang talakayan at maayos na pagpaplano para sa paparating na Graduation
Ball, nagtapos ang
pagpupulong sa isang panalangin na pinamunuan ni Cassandra Mantalaba
bilang pagpapasalamat sa matagumpay at maayos na daloy ng pagpupulong. Sa buong proseso, tiniyak ng kalihim na
lahat ng napagkasunduan ay maingat na naisulat upang magsilbing
gabay sa susunod na mga hakbang patungo sa implementasyon ng aming mga plano.
Bago tuluyang matapos, binigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro na magbigay
ng kanilang huling mungkahi at pagsang-ayon sa lahat ng napagkasunduan. Sa pagtatapos, pormal na idineklara ng
aming presiding officer na si Tayshaun Clar ang salitang "adjourn,"
hudyat ng opisyal na pagtatapos ng aming pangkatang pagpupulong.
Inihanda nina:
Tayshaun Augsboug P. Clar Cassandra
Alexis S. Mantalaba
Opisyal na taga-pamahala Kalihim
Dhestiny Reeze P. Lonoy Bien Emmanuel B. Montebon
Tagapagsalita Tagapagsalita
Carl Jeofrey B. Dignos Ashley G. Villamor
Tagapagsalita Tagapagsalita
Princess Clouie M. Pitogo Justin James D. Algabre
Tagapagsalita Miyembro
Elisha Kate F. Nunez
Miyembro
Nagpatotoo:
Tayshaun Augsboug P. Clar
Opisyal na taga-pamahala
Inaprubahan ni:
Gng. Lea Nina L. Garrote
Guro sa APP4



Comments
Post a Comment